86 nasawi sa aksidente ng pagguho ng gusali ng Miami, Amerika

2021-07-11 12:09:38  CMG
Share with:

Nitong Sabado, Hulyo 10, (local time), 2021, ipinahayag ni Daniella Levine Cava, Alkalde ng Miami-Dade, estadong Florida ng Amerika, na pumalo na sa 86 ang bilang ng mga nasawi sa aksidente ng pagguho ng condominium, samantalang 43 iba pa ang nawawala.

Sa isang news briefing nang araw ring iyon, ipinaabot ni Cava ang pasasalamat sa lahat ng lumalahok sa gawaing panaklolo.

Aniya, ang nasabing aksidente ay ang pinakamalaking non-hurricane disaster relief work sa kasaysayan ng estadong Florida.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method