68 bansa, suportado ang talumpati ng Tsina sa UNHRC

2021-07-15 10:19:05  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umabot sa 68 ang bilang ng mga bansang sumusuporta sa inihayag na talumpati ng kinatawang Tsino sa kapipinid na ika-47 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ani Zhao, ipinagdiinan ng nasabing mga bansa na ang mga suliranin ng Hong Kong, Xinjiang at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat manghimasok sa mga ito ang mga puwersang panlabas.

Tinututulan din nila ang pagsasapulitika at pagsasagawa ng double standards sa isyu ng karapatang pantao, at ang mga walang galang na pagbatikos sa Tsina batay sa mga pekeng impormasyon, sabi ni Zhao.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method