Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 33 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Hulyo 17, 2021.
Kabilang dito, 32 ang galing sa labas ng bansa, at 1 naman ang domestikong kasong naitala mula sa lalawigang Yunnan, dakong timog ng Tsina.
Samantala, 549 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso, at 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Lito
Pulido: Rhio