Ipinahayag ngayong araw, Hulyo 16, 2021, ni Tagapagsalita Tian Yulong ng Ministri ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Tsina, na sinusuportahan ng kanyang ministri ang mga kompanyang Tsino ng paggawa ng bakuna, na isagawa sa iba't ibang paraan ang pandaigdigang kooperasyon sa kapasidad sa produksyon, para dagdagan ang suplay sa daigdig ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at ibigay ang mas malaking ambag para sa paglaban sa pandemiya sa buong mundo.
Ayon pa rin kay Tian, hanggang sa buwang ito, umabot sa 5 bilyong dosis ang taunang kapasidad ng Tsina sa paggawa ng mga bakuna kontra COVID-19.
Dagdag niya, ipinagkaloob na ng mga kompanyang Tsino ang 1.4 bilyong dosis ng bakuna sa loob ng bansa, at sinuplayan din ng 570 milyong dosis ang ibang mga bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Kasakiman ng Amerika sa pagtatago ng bakuna kontra COVID-19, iresponsable
Tsina, nagkaloob ng pinakamaraming bakuna kontra COVID-19 sa mga umuunlad na bansa
Pamahalaang Tsino, ipagkakaloob sa Indonesia ang mga bakuna at pangkagipitang suplay kontra COVID-19
Tsina, nakikiisa sa 48 bansa kontra pagsasapulitika ng pag-aaral ng pinanggalingan ng COVID-19