Inilabas na mula sa assembly line ngayong Martes, Hulyo 20, 2021 sa Qingdao, Lalawigang Shandong ng Tsina, ang bagong high-speed maglev train ng Tsina.
Ang nasabing maglev train na may bilis na 600 kilometro bawat oras ay pinakamabilis na sasakayang panlupa sa daigdig.
Ang nasabing tren ay sariling idinebelop ng Tsina. Ito ang pinakamalaking tagumpay na siyentipiko at teknolohikal ng bansa sa larangan ng rail transit.
Ang nasabing maglev train ay ang pinakabagong ambag sa larangan ng paglalakbay sa pamamagitan ng abiyasyon at high-speed railway.
Salin: Vera
Pulido: Mac