Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Huwebes, Mayo 6, 2021, ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina, mabilis na lumaki ang fixed-asset investment ng bansa sa sektor ng transportasyon, noong unang kuwarter ng taong ito, at ang halaga ay umabot sa 579.2 bilyong yuan RMB (halos $US89.3 bilyong dolyar).
Ipinakikita ng estadistika, na 52.8% ang paglaki ng naturang halaga kumpara sa halaga mula Enero hanggang Marso ng nagdaang taon, at kung ihahambing naman sa gayun ding panahon ng 2019, mas malaki pa rin ito ng 18.5%.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan