Mahigit 750 libong netizens ng Tsina, nagpetisyon na imbestigahan ang bio-lab ng Amerika

2021-07-20 17:36:14  CMG
Share with:

Sa bukas na liham na ipinadala noong Hunyo, nanawagan ang mga netizens ng Tsina sa World Health Organization (WHO) na imbestigahan ang Fort Detrick.

 

Sa pamamagitan ng Global Times, ipinahayag muli nitong Hulyo 17, 2021, ng mga netizens ng Tsina ang pag-asa na dapat mas maraming tao ang manawagan sa WHO na sa susunod na pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, dapat imbestigahan ang Fort Detrick at ibang lab ng Amerika na may panganib ng virus leak.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 19, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang 15:00, ng araw ring iyon, mahigit 750 libong netizens ng Tsina ang sumali sa naturang petisyon.

Mahigit 750 libong netizens ng Tsina, nagpetisyon na imbestigahan ang bio-lab ng Amerika_fororder_zhaolij ian

Aniya, dapat pahalagahan ng Amerika ang kuru-kuro ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino, at magbigay ng reaksyon sa naturang bukas na liham.

 

Tinukoy din ni Zhao na sa liham na ipinadala kamakailan sa Direktor Heneral ng WHO, nanawagan din ang 54 bansa na dapat igiit ang pansiyensiyang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at tutulan ang manipulasyong pulitikal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method