Mga ekspertong Tsino, pinag-aaralan ang proposal para sa ikalawang yugto ng pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus

2021-07-17 20:20:38  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Hulyo 16, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na binigyang pansin ng panig Tsino ang proposal na iniharap ni Direktor Heneral Tedros Adhanom Ghebreysus at Sekretaryat ng World Health Organization (WHO) para sa ikalawang yugto ng pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus. Pinag-aaralan aniya ng mga ekspertong Tsino ang planong ito.

 

Inulit din ni Zhao, na ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus ay suliraning pansiyensiya. Dapat aniya igalang ang palagay ng mga siyentista at mga siyentipikong konklusyon, at hindi dapat isapulitika ang isyung ito.

 

Dagdag niya, noong Marso ng taong ito, inilabas ng WHO ang ulat ng magkasanib na pag-aaral ng WHO at Tsina sa pinagmulan ng coronavirus, at nakalakip dito ang mga mahalagang konklusyong gaya ng napakaliit na posibilidad na nailabas ang virus mula sa laboratoryo, patuloy na paghahanap ng mga posibleng maagang kaso ng pagkahawa sa mas malawak na mga lugar ng daigdig, at iba pa.

 

Diin ni Zhao, siyentipiko at walang kaduda-duda ang naturang ulat, at ito ay dapat maging batayan ng susunod na pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method