CMG Komentaryo: Pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, dapat maging pokus ang Amerika sa susunod na yugto

2021-07-21 16:26:13  CMG
Share with:

Walang narating na nagkakaisang paninindigan sa pagitan ng Tsina at World Health Organization (WHO) kaugnay ng ikalawang yugto ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Pero sa kabila nito, bukas at maliwanag ang Tsina sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at dalawang beses nang inanyayahan ang WHO na pumunta sa Tsina para isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Sa kabilang banda, nangunguna naman ang Amerika sa pinakamalaking bilang ng mga pumanaw at kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

CMG Komentaryo: Pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, dapat maging pokus ang Amerika sa susunod na yugto_fororder_cmgkomentaryo

Dahil dito, nararapat lamang na suportahan ng bansa ang pananaliksik ng WHO sa pinagmulan ng coronavirus sa susunod na yugto.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 55 bansa na ang nananawagang dapat igiit ang siyentipikong pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at tutulan ang manipulasyong pulitikal.

 

Dagdag pa riyan, ipinahayag ng mga mamamayan ng Timog Korea, Espanya, Ukraine at iba pang bansa na dapat tanggapin ng Amerika ang imbestigasyon sa pinagmulan ng virus.

 

Ang komunidad ng daigdig ay humihiyaw para sa katarungan, pagkatantay-pantay at siyentipikong pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Dapat gumawa ng reaksyon ang Amerika kaugnay ng naturang panawagan ng daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method