Ayon sa pagtaya ng 2021 Asian Development Outlook na ipinalabas Hulyo 20, 2021, ng Asian Development Bank (ADB), may pag-asang aabot sa 8.1% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2021.
Ayon pa sa ulat, dahil sa paglaki ng industriya, pagluluwas, kalakalan ng serbisyo at iba pa, mapapanatili ng kabuhayang Tsino ang tunguhin ng paglaki.
Tinaya rin ng ulat na aabot sa 5.5% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong 2022.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio