Pagsasapulitika sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19 virus, tinututulan ng 55 bansa

2021-07-21 10:56:18  CMG
Share with:

Ipina-alam, Hulyo 16, 2021 ng World Health Organization (WHO) sa mga kasaping bansa nito ang plano ng paghahanap sa pinagmulan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) virus sa ikalawang yugto at nakatawag ng mga lehitimong tinig ng maraming bansa.

Anila, ang paghahanap sa pinagmulan ng COVID-19 virus ay isang siyentipikong misyon, at hindi ito dapat isapulitika.

Dapat din anilang proteksyunan ang magkasamang ulat ng WHO at Tsina na isinapubliko kamakailan.

Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 20, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa araw na ito, ipinadala ng 55 bansa ang mensahe kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO para tutulan ang pagsasapulitika ng nasabing gawain.

Diin ni Zhao, dapat itigil ng kaukulang panig ang pulitikal na paglinlang sa isyu ng paghahanap sa pinagmulan ng virus; itigil ang pagbabaling ng sisi at responsibilidad sa iba;  at itigil ang pagsira sa pandaigdigang kooperasyon sa paghahanap ng pinagmulan ng virus.

Kailangang taglayin ng kaukulang panig ang responsable at siyentipikong atityud upang makapagbigay ng karapat-dapat na ambag sa pagtatagumpay ng laban kontra pandemiya at pangangalaga sa kalusugan ng sangkatauhan, aniya pa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method