Tsina, umaasang lubos na magsasanggunian ang WHO at mga kasapi nito tungkol sa bagong plano ng paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19

2021-07-20 10:57:59  CMG
Share with:

Tinukoy nitong Lunes, Hulyo 19, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang phase 2 study ng  paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19 na iniharap ng Sekretaryat ng World Health Organization (WHO) ay di-magkatugma sa posisyon ng panig Tsino at maraming bansa sa isyung ito.

Ani Zhao, sa pulong ng WHO noong Hulyo 16, inilahad na ng Tsina at maraming bansa ang kanilang paninindigan at palagay tungkol dito.

Ipinagdiinan niya na malinaw na hiniling sa Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng WHO na dapat patuloy at mahigpit na makipagkooperasyon ang Direktor-Heneral ng WHO sa mga kasaping bansa para hanapin ang pinagmulan ng virus at ruta ng pagkalat nito sa mga tao.

Aniya, sa gawain ng paghahanap ng pinagmulan ng virus sa susunod na yugto ay dapat umangkop sa tadhanang ito, at dapat ding itong pamunuan ng mga kasaping bansa ng WHO.

Umaasa ang panig Tsino na magkakaroon ang WHO ng lubos na pakikipagsanggunian sa mga kasaping bansa, malawakang pakikinggan at isasagawa ang palagay at mungkahi ng iba’t-ibang panig, at igagarantiya ang bukas at maliwanag na proseso ng pagbalangkas ng naturang plano ng gawain, diin pa ni Zhao.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method