Dahil kay Bagyong Fabian (In-fa), binabayo ng napakalakas na ulan ang Luzon, kaya naman grabeng naantala ang maraming aspekto ng normal na buhay ng mga mamamayang lokal.
Tulad ng Pilipinas, sinasalanta rin ng napakatinding ulan at pambihirang kalamidad ang maraming lugar sa Henan, Tsina na nagbunsod ng human casualty at kapinsalaan sa ari-arian.
Ang tag-init sa Tsina ay panahon din ng madalas at malakas na ulan.
Kaya, ang kinakaharap na malaking hamon ay kung paano ito kahaharapin ng mga karaniwang residente. Narito ang ilang mungkahi:
Una, kung lalabas sa bahay sa panahon ng malakas na ulan, pinakamabuting magsuot ng de-gomang sapatos. Habang nakasakay naman sa mga sasakyan, huwag ilabas ang iyong ulo at kamay sa pinto o bintana kung kumikidlat para maiwasan ang aberya.
Ikalawa, kung kayo naman ay nasa bulubunduking lugar, dapat maging maingat sa biglaang pagbaha. Kung may biglang pag-agos ng tubig at putik, kailangang pag-ibayuhin ang pag-ingat. Huwag maglakbay at manatili sa mabababang lugar.
Ikatlo, ang mga malaking billboard ay posibleng tangayin at itumba ng hangin at ulan. Kaya huwag magtago sa ilalim ng mga ito para maiwasan ang pagkasugat.
Ika-apat, kapag malakas ang ulan at may pagtaas ng tubig, huwag lumapit sa mga poste ng ilaw na lubog sa tubig dahil baka kayo ay makuryente. Kapag malakas ang ulan, huwag lumapit, maglaro, at hawakan ang mga poste ng kuryente o ilaw. Panatilihin ang ligtas na distansiya mula sa mga ito.
Salin/Patnugot: Lito
Pulido: Rhio