Sa kanyang pananatili sa Tibet, naglakbay-suri nitong Biyernes, Hulyo 21, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kalagayan ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa Yarlung Zangbo River at ang dinadaluyang Ilog Nyang.
Tinukoy ni Xi na masagana ang luntiang lupain at malinis ang sistema ng patubig ng Yarlung Zangbo River. Ngunit mahina pa rin ang ekolohiya nito, aniya.
Diin ng pangulong Tsino, dapat puspusang pabutihin ang mga gawain para mapangalagaan nang mabuti ang kapaligirang ekolohikal ng ilog na ito.
Salin: Lito
Pulido: Mac