Naglakbay-suri nitong Hulyo 21, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Lunsod ng Nyingchi, Rehiyong Awtonomo ng Tibet sa timog kanluran ng bansa.
Pagkaraang lumapag sa paliparan ng Nyingchi, pumunta si Xi sa Nyang River Bridge, kung saan sinuri niya ang kalagayan ng pangangalaga sa ekolohiya sa kahabaan ng Yarlung Zangbo River at ang sangay nito na Nyang River.
Noong Miyerkules ng hapon, bumisita si Xi sa isang exhibition hall tungkol sa pagpaplano ng lunsod, isang nayon, at isang parke sa Nyingchi. Sinuri niya ang tungkol sa pagpaplano sa pagpapaunlad ng lunsod, pagpapayabong ng kanayunan, at pagtatayo ng city park.
Nitong Huwebes, pumunta si Xi sa istasyon ng tren ng Nyingchi, kung saan nalaman niya ang tungkol sa pangkalahatang pagdidisenyo ng Sichuan-Tibet Railway at pagpapatakbo ng seksyon sa pagitan ng Lhasa at Nyingchi.
Pagkatapos, sumakay si Xi ng tren patungo sa Lhasa, punong lunsod ng Tibet. Sa tren, sinuri niya ang kalagayan sa kahabaan ng naturang daambakal.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Xi Jinping: Pangangalaga sa mga kultural at likas na pamana, komong responsibilidad
Xi Jinping, dumalo at nagtalumpati sa Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC
Sa paglaban sa baha, ipauna ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan - Xi Jinping
Xi Jinping: bagong pag-unlad ng Tsina, magkakaloob ng bagong pagkakataon sa daigdig
Xi Jinping sa mga dayuhang estudyante: Palalimin ang pagkaunawa sa Tsina