Magkakasunod na binatikos kamakailan, ng mga media at dalubhasa ng iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng Pilipinas, ang Amerika dahil sa pagsasapulitika nito ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Nanawagan sila na dapat imbestigahan ang Fort Detrick Lab.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 26, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malinaw na nakikita ng mga tao na ang malisyosong motibo ng Amerika na isagawa ang manipulasyong pulitikal sa katwiran ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Aniya, dapat anyayahan sa lalong madaling panahon ng Amerika ang World Health Organization (WHO) para imbestigahan ang Fort Detrick Lab, upang hanapin ang katotohanan sa buong daigdig.
Tinukoy din ni Zhao na ang Amerika ay bansa na may pinakamaraming nahawahang kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.
Nagiging mas maaga ang timeline ng pagtuklas ng nahawahang kaso ng COVID-19 sa Amerika, at hindi maipaliwanag nito ang kaduda-dudang ugnayan sa pagitan ng Fort Detrick Lab at di-umanong vaping related illness, saad din ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac