Hanggang Miyerkules ng hapon, Hulyo 21, 2021, halos 5 milyong Chinese netizen ang lumagda sa bukas na liham na nananawagan sa World Health Organization (WHO) na imbestigahan ang Fort Detrick bio-lab ng Amerika.
Malaking pansin ang natawag nito mula sa mga media sa loob at labas ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 21 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pag-imbestiga sa Fort Detrick ay panawagan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino.
Ito aniya ay dapat sagutin ng panig Amerikano kaugnay ng isyu ng paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus.
Diin pa niya, ang paglagda ng parami nang paraming mamamayang Tsino sa nasabing liham ay nagpapakita ng kanilang galit sa panlilinlang ng ilang politikong Amerikano sa isyu ng pinagmulan ng coronavirus.
Salin: Lito
Pulido: Rhio