71, bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 31 ay domestikong kaso sa Jiangsu

2021-07-27 16:56:37  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Hulyo 27, 2021, 71 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. Sa mga ito, 40 kaso ay galing sa labas ng bansa at 31 ay domestikong kaso sa lalawigang Jiangsu ng Tsina.

 

4 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 mula sa labas Chinese mainland at ang lahat ay naiulat sa Shanghai.

 

Sa loob ng 24 na oras nitong Hulyo 26, 2021, 795 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.

71, bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 31 ay domestikong kaso sa Jiangsu_fororder_cgtn

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method