Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 76 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Hulyo 25, 2021.
Kabilang dito, 36 ang galing sa labas ng bansa, at 40 ang domestikong kasong naitala mula sa Lalawigang Jiangsu at Liaoning.
Sa loob ng 24 na oras nitong Hulyo 25, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 741.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Lito
Pulido: Rhio