Mensaheng pambati, ipinadala ng mga pangulo ng Tsina at Sierra Leone sa isat-isa kaugnay ng Ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong diplomatiko

2021-07-29 15:36:00  CMG
Share with:

Huwebes, Hulyo 29, 2021, nagpalitan ng mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Julius Maada Bio ng Sierra Leone, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
 

Ipinagdiinan ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Sierra Leonean.
 

Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Bio, para mapatibay ang mapagkaibigang pagtitiwalaan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Inihayag naman ni Pangulong Bio ang pananabik sa ibayo pang pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan ng kanyang bansa sa Tsina, at pagpapalalim ng kooperasyon ng kapuwa panig sa iba’t ibang larangan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method