Tsina at Sierra Leone, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko

2021-05-08 11:09:37  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kahapon, Mayo 7, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Julius Maada Bio ng Sierra Leone, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Binigyan ng dalawang lider ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Sierra Leone nitong 50 taong nakalipas. Sinang-ayunan din nilang ibayo pang pasusulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa, at magkasamang pangangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig.

 

Kasabay nito, ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na magbigay ng suporta at tulong sa Sierra Leone para sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method