49, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 24, domestikong kaso

2021-07-29 16:13:00  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Hulyo 28, 2021, 49 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Sa mga ito, 25 ay galing sa labas ng bansa at 24 ay domestikong kaso.

 

Samantala, 1 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kasong galing sa labas ng bansa.

 

Hanggang maghahati-gabi ng Hulyo 28, 2021, 887 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.

49, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 24, domestikong kaso_fororder_covid

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method