Sa pamamagitan ng 6 na wika, inilabas Hulyo 30, 2021, sa Youtube, Twitter, Facebook, Sinaweibo at WeChat ng CGTN Think Tank, ang questionnaire kaugnay ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Ayon sa resulta, walang tiwala at hindi natutuwa ang mahigit 816,000 na netizen ng buong daigdig sa mga aksyon ng Amerika, na kinabibilangan ng double standard sa harap ng problema mula sa loob at labas ng bansa, manipulasyong pulitikal sa pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus, at karahasan at diskriminasyong nakatuon sa mga Asyano.
Sa isyu naman ng pananliksik sa pinagmulan ng coronavirus, ipinalalagay ng 83.1% na respondent na dapat isagawa ng World Health Organization (WHO) ang imbestigasyon sa Amerika.
Ipinalalagay din nila na kailangang isagawa ang iba pang pananlaiksik sa pinagmulan ng coronavirus sa iba’t-ibang lugar at bansa ng buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio