Isang magkasanib na pahayag ang inilahad, Agosto 2, 2021, sa Sekretaryat ng World Health Orgnization (WHO) ng mahigit 300 partido, organisasyong panlipunan at Think Tank mula sa 100 bansa at rehiyon ng daigdig.
Ayon dito, sa harap ng grabeng bantang dulot ng coronavirus sa buhay ng buong sangkatauhan, kailangang palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Nanawagan ang pahayag sa WHO na isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus batay sa obdyektibo at makatarungang paraan.
Binigyang-diin pa nitong kailangang tutulan ng lahat ng panig ang pagsasapulitika ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Samantala, pinapurihan ng pahayag ang Tsina at ibang mga bansang aktibong nagkakaloob ng bakuna sa buong mundo, partikular, para sa mga umuunlad na bansa.
Anito pa, dapat tutulan ng lahat ang nasyonalismo ng bakuna.
Anito pa, nararapat aktibong pasulungin ng mga partido at organisasyon ng iba’t ibang bansa ang kooperasyong pandaigdig kaugnay ng paglaban sa COVID-19, para magkasamang itatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio