Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan, nitong Agosto 2, 2021, 90 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 29 kaso ay galing sa labas ng bansa, at 61 ay domestikong kaso.
Sa loob ng 24 na oras nitong Lunes, 1,157 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.

Salin:Sarah
Pulido:Mc