98, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Agosto 1: 55, domestiko

2021-08-02 10:27:37  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 98 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Agosto 1, 2021.

Kabilang dito, 43 ang galing sa labas ng bansa, at 55 naman ang domestikong kaso (40 sa Jiangsu, 7 sa Hunan, 2 sa Beijing, 2 sa Hubei, 1 sa Shandong, 1 sa Henan, 1 sa Hainan, at 1 sa Yunnan).

Samantala, 1,091 ang kabuuang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso, at 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method