Proseso ng pagsapi ng Iraq sa AIIB, sisimulan

2021-08-12 11:44:17  CMG
Share with:

Ini-ulat, Agosto 11 (local time), 2021, ng media ng Iraq na inawtorisahan na ng gabinete ng bansa ang Ministring Panlabas upang lumagda sa aplikasyon ng pagsapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Ayon pa sa ulat, gagamitin ng naturang ministri ang bahagi ng 2021 fiscal budget para magbigay-kontribusyon sa pondo ng naturang bangko.

Matatandaang noong Marso 2019, tinalakay ng mga kaukulang departamento ng Iraq ang tungkol sa posibilidad ng pagsapi sa AIIB, at pagpapalakas ng papel nito sa inisyatiba ng “Belt and Road.”

Ngunit sanhi ng mga kilos-protesta sa loob ng bansa, pandemiya, pagbabago ng pamahalaan at iba pa, hindi pa natamo ang ibayong progreso.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method