ADB at AIIB, magkakaloob ng pautang sa Pilipinas para bumili ng mga bakuna kontra COVID-19

2021-03-12 18:31:12  CMG
Share with:

ADB at AIIB, magkakaloob ng pautang sa Pilipinas para bumili ng mga bakuna kontra COVID-19_fororder_ab87c854c8764d9ab962c848e3c5fa3b

 

Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ng Asian Development Bank (ADB), na inaprobahan nito ang 400 milyong US dollar na pautang sa Pilipinas para sa pagbili ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sinabi rin ng ADB, na ang naturang pautang ay may bahagi ng 300 milyong US dollar galing sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Gusto ng dalawang organo na tulungan ang Pilipinas para sa pagkuha ng 110 milyong dosis na bakuna.

 

Ayon pa rin sa ADB, ang Pilipinas ay unang bansang makatatanggap ng suportang pinansyal sa ilalim ng Asia Pacific Vaccine Access Facility (APVAX) ng ADB.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method