Sa magkakasanib na liham na ipinadala Agosto 10, 2021, kay Pangulong Joe Biden ng Amerika, nanawagan ang mahigit 175 dalubhasang Amerikano sa pampublikong kalusugan, siyentista at lider ng mga organisasyong panlipunan, at mahigit 50 kinauukulang organo, na dapat agarang isagawa ng pamahalaang Amerikano ang aksyon para palawakin ang pagpoprodyus ng mRNA vaccine.
Dapat din anilang iluwas ang bakuna sa COVAX o iba pang pandaigdigang mekanismo ng pagbabahagi ng bakuna, para umangkop ang suplay sa kahilingan ng buong daigdig at maiwasan ang paglitaw ng mas mapanganib na bagong variant ng virus.
Ang naturang liham ay inilathala sa Washington Post.
Ayon sa pagtaya ng Washington Post, ang kabuuang bolyum ng bakuna kontra COVID-19 sa Amerika ay sapat para sa 750 milyong populasyon.
Ngunit, nasa 260 milyon lamang ang populasyon ng mga nasa hustong gulang sa Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio