Ayon sa isang artikulong nilathala kamakailan ng website ng magasing Nature ng Britanya, makaraang isagawa ng mga mananaliksik ng Kagawaran ng Agrikultura ng Amerika ang coronavirus antibody analysis sa serum sample ng mga white-tailed deer sa dakong hilagang silangan ng Amerika. 1/3 ng sampled white-tailed deer ay natagpuang may neutralizing antibodies ng SARS-CoV2, na lumilikha ng coronavirus.
Ipinakikita nito na posibleng mahawa sila ng coronavirus.
Sa preprint form, inilabas sa internet noong Hulyo 29 ng kasalukuyang taon ng mga mananaliksik ang nasabing resulta. Hindi pa tinaya at tinalakay ng mga nturang siyentista ang naturang ulat ng pananaliksik.
Ayon sa nasabing ulat, isang malaking problema ngayon ay kung paanong nahawahan ng coronavirus ang mga white-tailed deer. At maaring maging daan ito para magpatuloy ang pagkakaroon ng bagong strains ng virus na mas malakas makahawa at kumalat sa mga tao sa hinaharap.
Salin: Lito
Pulido: Mac