Mahigpit na pagkondena at pagtutol, ipinahayag ng Tsina sa maling aksyon ng Hapon kaugnay ng Yasukuni Shrine

2021-08-16 16:15:33  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling aksyon ng Hapon hinggil sa Yasukuni Shrine, sinabi Agosto 15, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga aktibidad ng bansa na may-kaugnayan sa Yasukuni Shrine ay nakakasira sa katarungang pangkasaysayan, at malubhang nakakapinsala sa damdamin ng mga mamamayang nabiktima noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino.

Mahigpit na pagkondena at pagtutol, ipinahayag ng Tsina sa maling aksyon ng Hapon kaugnay ng Yasukuni Shrine_fororder_huachunyinghapon

Ani Hua, ipinadala na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Hapon, na mahigpit na kumukondena at matatag na tumututol sa naturang aktibidad.

 

Hinihimok ng Tsina ang Hapon na aktuwal na sundin ang pangako kaugnay ng mapanalakay na kasaysayan, komprehensibong itakwil ang militarismo, at kunin ang tiwala ng mga kapitbansa sa Asya at buong daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, diin ni Hua.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method