Sinabi kahapon, Agosto 13, 2021, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na dapat pakitunguhan tama na ng Hapon ang kasaysayan ng pananalakay, at gawin ang mga aktuwal na hakbang para makuha ang tiwala mula sa mga kapitbansa.
Winika ito ni Wu bilang tugon sa pagbibigay-galang sa araw na ito ni Nobuo Kishi, Ministro ng Tanggulan ng Hapon sa Yasukuni Shrine. Ipinahayag din niya ang kawalang-kasiyahan at pagtutol dito ng panig Tsino.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng ministro ng tanggulan ng Hapon sa lugar na ito sapul noong 2016, at naganap ito dalawang araw bago ang anibersaryo ng pagsuko ng Hapon sa World War II.
Binigyang-diin ni Wu, na nakadambana sa Yasukuni Shrine ang 14 na Class-A war criminals sa World War II na direktang responsable sa digmaang mapananalakay ng Hapon. Aniya, ang pagbibigay-galang ng miyembro ng gabinete ng Hapon sa lugar na ito ay nagpapakita ng maling atityud ng panig Hapones sa kasaysayan ng pananalakay.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos