Ipinahayag noong Agosto 12, 2021, ni Heather Holmes, Associate Chief Justice ng Kanada, ang pagduda sa akusasyon ng Amerika kay Meng Wanzhou, at sinabi niyang, pambihira na ang isang “fraud case” ay hindi magdulot ng anumang kapinsalaan makalipas ang mga taon.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 16, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ipinakita ng katotohanan na ang insidente kaugnay ni Meng Wanzhou ay insidenteng pulitikal.
Peke ang alegasyon ng Amerika kay Meng. Bukod dito, ayon sa dokumento na ipinagkaloob ng Hong Kong and Shanghai Banking Corporation (HSBC), walang ginawang panglilinlang si Meng Wanzhou.
Kaya, malinaw ang katotohanan ng insidenteng ito.
Hinimok ni Hua ang Amerika na agarang kanselahin ang arrest warrant at extradition request para kay Meng Wanzhou.
At agarang palayain ng Kanada si Meng Wanzhou at igarantiya ang ligtas na pag-uwi niya sa Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac