Muling hinimok ng panig Tsino ang Kanada na agarang iwasto ang kamalian, at palayain si Ginang Meng Wanzhou.
Winika ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon nitong Martes, Disyembre 1, 2020.
Diin ni Hua, lubos na napapatunayan ng katotohanan na ang kaso ni Meng Wanzhou ay isang seryosong insidenteng pulitikal, at ang tunay na layunin ng pamahalaang Amerikano ay sikilin ang hay-tek na kompanya ng Tsina. Ang pamahalaang Kanadyano ay nagsilbing kasabwat ng panig Amerikano.
Dagdag niya, si Ginang Meng ay di-makatarungang nakapiit hanggang ngayon, kahit walang paglabag sa anumang batas ng Kanada. Ikinagagalit aniya ito ng panig Tsino, at muling mariing kinokondena ito.
Saad ni Hua, buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino, at isasagawa ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin para rito.
Salin: Vera