Kasama ang mga bansang Arabe: Tsina, handang isulong ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road

2021-08-19 11:44:20  CMG
Share with:

Yinchuan, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia ng Tsina—Binuksan dito ngayong araw, Agosto 19, 2021 ang ika-5 China-Arab States Expo.
 

Sa kanyang liham na pambati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na pinalalakas ng panig Tsino’t Arbe ang estratehikong koordinasyon at sinerhiya sa aksyon.
 

Dahil dito, mabungang mabunga aniya ang kooperasyon ng Belt and Road, at nananatiling pinakamalaking trade partner ng mga bansang Arabe ang Tsina.
 

Diin ni Xi, kasama ng mga bansang Arabe, magpupunyagi ang Tsina upang makamtan ang matatag na  kooperasyon at kaunlaran, mapasulong ang mapayapang pag-unlad, maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, at palakasin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method