Mga Pangulo ng Tsina at Iraq, nag-usap; estratehikong partnership, pauunlarin

2021-08-19 11:29:34  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono Agosto 18, 2021 kay Pangulong Barham Salih ng Iraq, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang matapat na kaibigan ng mga mamamayang Iraqi, aktibong nakikilahok ang Tsina sa rekonstruksyon ng kabuhayanng bansa, at matatag na sumusulong ang pragmatiko at mapagkaibigang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

Ani Xi, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Iraq.

Sinabi niyang handa ang Tsina upang  patuloy na suportahan ang Iraq sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), palawakin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, koryente, at komunikasyon; at tulungan ang Iran sa rekonstruksyon ng kabuhayan at pagpapalakas ng kaunlarang panlipunan upang mapasulong pa ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Diin ni Xi, buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang panig Iraqi sa pangangalaga sa soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo.

Samantala, ipinahayag naman ni Barham Salih ang pag-unawa sa mga isinasagawang hakbangin ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kabuuan ng teritoryo.

Iginigiit aniya ng kanyang bansa ang patakarang Isang Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method