Mga pangulo ng Tsina at Iran, nag-usap: relasyong Sino-Iranyo, isusulong

2021-08-19 11:25:49  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Agosto 18, 2021, kay Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, 50 taon na ang nakalipas,  maraming pagsubok at  pagbabago sa situwasyong pandaigdig, ang napagtagumpayan ng nasabing ugnayan.

Dahil dito, lalong tumitibay ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Iranyo, dagdag ni Xi.

Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang aktibong pagpapaunlad ng panig Iranyo ng relasyon sa Tsina.

Nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Iran upang mapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, ani Xi.

Aniya pa, kahit anong pagbabago ang mangyari sa situwasyong panrehiyon at pandaigdig, buong tatag na pauunlarin ng Tsina ang mapagkaibigang relasyon sa Iran.

Ipinaabot naman ni Raisin ang mainit na pagbati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Iran at Tsina.

Nagpasalamat din siya sa ibinibigay na mahalagang tulong at suporta ng Tsina sa Iran sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Nakahanda aniya ang Iran na magsikap kasama ng Tsina para mapalalim ang estratetikong pagkokoordinahan, mapahigpit ang estratehikong pagtitiwalaan, mapalakas ang bilateral at multilateral na pagtutulungan, at magkasamang tutulan ang unilateralismo, hegemonya, at pakikialam ng ibang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method