Sa pamamagitan ng video link, idinaos Agosto 19, 2021, ng mga Ministrong Panlabas ng Group of Seven (G7) at mga Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) ang pulong para talakayan ang kalagayan ng Afghanistan.
Sa pahayag na ipinalabas pagkatapos ng pulong, sinabi ni Dominic Raab, Tagapangulo ng naturang pulong at Ministrong Panlabas ng Britanya na kailangang magkakasamang subaybayan at harapin ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng Afghanistan, upang maiwasang muling maging pugad ng terorismo ang Afghanistan.
Suportado ng mga Ministrong Panlabas ng G7 na kinabibilangan ng Britanya, Kanada, Pransya, Alemanya, Italya, Hapon at Amerika ang pahayag na ipinalabas Agosto 16, 2021, ng United Nations Security Council (UNSC), susuportahan din ang agarang pagpapatigil ng karahasan, paggalang sa karapatang pantao kabilang ang mga kababaihan, bata, minorya at ang inklusibong negosasyon tungkol sa kinabukasan ng Afghanistan.
Mahigpit na magtutulungan ang mga miyembro ng G7 para igarantiya ang pag-alis mula sa Afghanistan ng lahat ng kinauukulang tauhan; itatakda ang ligtas at legal na plano para igarantiya ang tulong para sa mga refugees ng Afghanistan.
Bukod dito, patuloy na hahanapin ng G7 at mga partner nito ang kalutasang pulitikal, para maiwasan ang paglala ng krisis.
Ayon sa mungkahi ni Boris Johnson, Punong Ministro ng Britanya, idaraos ng mga lider ng G7 ang online meeting kaugnay ng kalagayan ng Afghanistan sa susunod na linggo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac