Martes, Agosto 17, 2021 – Nag-usap sa telepono sina Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya at Pangulong Joe Biden ng Amerika tungkol sa kasalukuyang situwasyon sa Afghanistan.
Nagkasundo ang dalawang lider na kailangang magkaisa ang komunidad ng daigdig para mapigilan ang paglitaw ng makataong krisis sa Afghanistan.
Anila pa, sa loob ng darating na ilang linggo, patuloy silang magtutulungan upang mapauwi ang mga kaukulang tauhan mula sa nasabing bansa.
Samantala, inilahad ni Johnson ang plano ng kanyang bansa sa pagdaragdag ng makataong tulong at muling pagsasaayos ng mga refugee sa nasabing rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
UNSC, nanawagan sa Afghanistan na itatag ang inklusibong bagong pamahalaan
Paninindigan ng Tsina kaugnay ng kalagayan ng Afghanistan, inilahad ng kinatawang Tsino
Wang Yi at Antony Blinken, nag-usap; isyu ng Afghanistan at relasyong Sino-Amerikano, tinalakay
Kalagayan ng Afghanistan, malaking pagbabago: pagpili ng mga mamamayang Afghan, iginagalang ng Tsina