Ayon sa pahayag ng China Manned Space Engineering Office ngayong Biyernes, kasalukuyang isinasagawa ng mga astronauts na Tsino o taikonauts na nasa space station core module, ang ikalawang extravehicular activities (EVAs) o spacewalk.
Suot ang sariling-yari na new generation Feitian spacesuits, ang mga taikonauts na sina Nie Haisheng at Liu Boming ay lumabas ng core module.
Habang abala sa kanilang gawain sina Nie at Liu, si Tang Hongbo naman ay nananatili sa loob upang suportahan ang kaniyang mga kasamahan.
Ito ang ikalawang EVAs ng misyon ng Shenzhou-12. Kabilang sa kanilang mga gawain ay ang pag-angat ng panoramic camera at ang paglagay ng mga parte para sa pagpapalaki ng space station sa hinaharap.
Ang naturang gawain ay inaasahang tatagal ng walong oras.
Salin:Sarah
Pulido:Mac