Nakipag-usap ngayong umaga, Miyerkules, Hunyo 23, 2021 sa Beijing Aerospace Control Center si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong astronaut na nakadestino sa Tianhe, core module ng space station ng bansa.
Sa pag-uusap sa pamamagitan ng video link, binati ni Xi ang tatlong astronaut sa kanilang matagumpay na pagpasok sa Tianhe. Pinasalamatan din niya sila sa kanilang trabaho.
Ani Xi, ang pagtatayo ng space station ay mahalagang muhon ng usaping pangkalakawan ng Tsina. Magbibigay aniya ito ng panibagong ambag para sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan.
Sa ngalan ng tatlong astronaut, sinagot naman ni Nie Haisheng, komander ng kasalukuyang misyon, na napakabuti ng kalagayan nila at maayos ang kanilang trabaho sa space station.
Ipinangako rin ni Nie na hindi nila bibiguin ang pananalig at tiwala ng sambayanang Tsino at matagumpay na tutupdin ang misyon.
Ang tatlong astronaut na Tsino na sina Nie Haisheng, Liu Boming at Tang Hongbo ay ipinadala sa kalawakan sakay ng Shenzhou-12 spaceship noong Hunyo 17 para pasimulan ang kanilang tatlong buwang misyon.
Salin: Jade