Ayon sa panig opisyal ng Haiti, hanggang Agosto 22 (local time), 2021, 2,207 katao na ang namatay, 12,268 ang nasugatan, at 344 na iba pa ang nawawala sa magnitude 7.2 na pagyanig noong Agosto 14.
Bukod dito, mahigit 52 libong pabahay ang nawasak at mga 77 libong iba pa ang nasira.
Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Ariel Henry ng Haiti na halos 700 libong mamamayan ang nangangailangan ng makataong tulong.
Napakalaking hamon sa rekonstruksyon ang haharapin ng bansa matapos ang sakuna, aniya pa.
Matatandaang noong Enero 12, 2010, niyanig ng 7.3 magnitude na lindol ang Haiti na ikinamatay ng mahigit 300 libong tao.
Salin: Lito
Pulido: Rhio