Tsina, malalimang nakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon ng digital economy

2021-08-23 11:34:36  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Lunes, Agosto 23, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa idinaraos na Forum on Digital Economy at Smart China Expo 2021 ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa lunsod Chongqing.

Tsina, malalimang nakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon ng digital economy_fororder_20210823SCOporum1600

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na kasalukuyang pumapasok ang daigdig sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng digital economy.

Tsina, malalimang nakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon ng digital economy_fororder_20210823smart2600

Napakabilis aniyang umuusbong ang mga bagong teknolohiya, industriya, at platapormang gaya ng 5G, artificial intelligence (AI), at smart city, at ang mga ito ay nagpapasulong sa malalimang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, pagsasaayos ng estrukturang industriyal, at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa buong daigdig.

Tsina, malalimang nakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon ng digital economy_fororder_20210823smart1600

Diin pa ng pangulong Tsino, sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng SCO, nakahanda ang Tsina na itaguyod kasama ng iba’t-ibang kasapi ng SCO, ang “Shanghai Spirit” upang malalimang makilahok sa pandaigdigang kooperasyon ng digital economy at likhain ang bagong pag-unlad ng kooperasyong ito.

Pinasinayaan din nang araw ring iyon ang nasabing porum at ekspo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method