Mula ika-13 hanggang ika-15 ng Hulyo, 2021, ginaganap sa Beijing ang 2021 China Internet Conference, at inilabas dito ang ulat hinggil sa pag-unlad ng internet ng Tsina sa 2021.
Anang ulat, noong nagdaang taon, mabilis na umunlad ang industriya ng internet ng bansa, at matatag na lumaki ang bilang ng mga netizen.
Hanggang noong katapusan ng 2020, lumampas na sa 160 milyon ang kabuuang bilang ng mga 5G network user sa buong bansa, at ito ay katumbas ng 89% ng kabuuang bilang ng mga 5G user sa buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio