Ayon sa lingguhang ulat na isinapubliko nitong Agosto 24 (local time), 2021 ng World Health Organization (WHO), noong isang linggo, lumampas sa 4.5 milyon ang karagdagang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.
Ang 5 bansang may pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay Amerika, Iran, India, Britanya at Brazil, ayon sa nasabing ulat.
Bukod dito, sa kasalukuyan natuklasan ang Delta variant sa 163 bansa’t rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac