115 libong Amerikano, posibleng mamatay sa COVID-19 bago matapos ang 2021

2021-08-15 13:11:51  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Sabado, Agosto 14 (local time) ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 17:21H, Sabado (Eastern Standard Time), pumalo na sa 36,626,724 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, samantalang 621, 202 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Ayon naman sa Columbia Broadcasting System (CBS) ng Amerika, kasalukuyang mabilis na kumakalat ang Delta Variant sa bansa, na nagbunsod ng walang patid na pagtaas ng bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso, pagdami ng mga isinusugod sa ospital, at pagbilis ng transmission rate sa mga komunidad.

Tinatayang  bago magtapos ang kasalukuyang taon, halos 115 libong mamamayang Amerikano ang posibleng mamatay dahil sa COVID-19.

Samantala, ipinalabas kamakailan ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang ulat na nagsasabing sapul noong nagdaang Hulyo, tumataas ang bilang ng mga batang nahahawa sa coronavirus.

Anito, mula noong Hulyo 29 hanggang Agosto 5, halos 94 na libo ang karagdagang bilang ng mga batang nagkasakit ng COVID-19.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method