Opisyal na sinimulan Agosto 24, 2021, ang Ika-108 Magkasanib na Pagpapatupad ng Batas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa kahabaan ng Ilog Mekong na tumatagal ng 4 na araw.
Sa video meeting na idinaos bago simulan ang aktibidad, magkakasamang pinag-aralan ng mga kinauukulang departamento ng naturang apat na bansa ang kalagayan ng krimen sa kahabaan ng Ilog Mekong. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng apat na bansa na pigilan ang smuggling, drugs, at krimen kaugnay ng telecommunications network.
Bukod dito, itinakda ng mga kasaping bansa ang pitong hakbangin kaugnay ng paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ipinagkaloob ng Tsina ang mga materyal kontra sa COVID-19 sa naturang tatlong bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac