Ipinahayag Agosto 24, 2021, ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na sa kasalukuyan, kinokontrol ng tropang Amerikano ang paliparan ng Kabul, kabisera ng Afghanistan. Hiniling ng Taliban sa Amerika na paalisin ang lahat ng tropa, negosyante at ibang tauhan bago ang darating na Agosto 31 at hindi ipagpapaliban ang deadline na ito.
Ipinahayag ni Mujahid na hindi inaasahan ng Taliban ang pag-alis ng mga Afghan ng kanilang sariling inang bayan. Hindi dapat himukin ng Amerika ang mga Afghan na lisanin ang bansa.
Nanawagan ang Taliban sa mga mamamayan ng Afghanistan sa paliparan na umuwi sa lalong madaling panahon, at ipinangako ang kaligtasan ng mga Afghans.
Aniya pa, nakikipag-ugnayan ang Taliban sa mga embahada ng iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng Amerika. Hindi inaasahan ng Taliban na itigil ang pagtatrabaho o pagsasara ng mga embahada. Ipinangako ng Taliban ang kaligtasan ng misyong dayuhan ng iba’t ibang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac