Sa panayam Agosto 19, 2021, ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Suhail Shaheen, Tagapagsalita ng Taliban, na ang Tsina ay gumaganap ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng proseso kapayapaan ng Afghanistan. Inaasahan ng mga mamamayan ng Afghanistan na patuloy na ibibigay ng Tsina ang positibong ambag para sa pagsasaayos ng bansa.
Kaugnay ng plano sa hinaharap, ipinahayag ni Suhail na sa kasalukuyan, tinatalakay ng iba’t ibang paksyon ng bansa ang hinggil sa pagbuo ng bagong pamahalaan.
Ayon sa plano, ito ay magiging isang bukas na Islamikong Pamahalaan, na binubuo ng mga personaheng Taliban at di-Taliban.
Pero ang lider ng Taliban ay posibleng manungkulan bilang lider ng bagong pamahalaan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac