Yang Jiechi, lalahok sa Pulong ng mga Mataas na Kinatawan ng BRICS

2021-08-25 15:25:40  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Ajit Doval, National Security Adviser ng India, dumalo Agosto 24, 2021, sa pamamagitan ng video link, si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Usapin ng Ugnayang Panlabas ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina, sa Ika-11 Pulong ng mga Mataas na Kinatawan ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) sa mga suliraning panseguridad.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 24, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pulong na ito, malalim na magpapalitan ang mga kinatawan ng BRICS ng kuru-kuro sa kalagayang panseguridad ng bansa, rehiyong ito at buong daigdig, kalusugan, pagpapatupad ng batas, paglaban sa terorismo, kooperasyon sa cybersecurity at iba pang larangan.

Yang Jiechi, lalahok sa Pulong ng mga Mataas na Kinatawan ng BRICS_fororder_06yangjiechiwangwenbin

Ani Wang, lubos na pinahahalaghan ng Tsina ang pulong na ito. Inaasahan ng Tsina na magsisikap, kasama ng mga kinatawan ng BRICS, para magkasamang pasulungin ang pagtatamo ng positibong bunga sa pulong na ito, at lilikha ng mainam na atmospera para sa pagtatagpo ng mga lider ng BRICS na idaraos sa susunod na buwan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method